Alden Richards, may mensahe para kay Maine Mendoza sa nalalapit nitong kasal kay Arjo Atayde

Alden Richards, may mensahe para kay Maine Mendoza sa nalalapit nitong kasal kay Arjo Atayde

 

Naglabas na ng saloobin si Alden Richards kaugnay sa nalalapit na kasal ng dating ka-loveteam na si Dabarkads Maine Mendoza at fiance na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.


Kumakalat ang balitang gaganapin ang kasal ng dalawa ngayong buwan ng Hulyo.


Matatandaang lubos na sumikat ang loveteam ni Alden at Maine na AlDub sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga! noong July 2015 hanggang December 2016.


Sa kabila nito, natuldukan ang kanilang loveteam noong kalagitnaan ng 2018 dahil sa personal nilang kagustuhan na magkaroon ng solo career.


Sa mediacon nga ng Battle of the Judges, ang bagong programa ng GMA-7 na kanyang pangungunahan bilang host, nagkaroon ng pagkakataon ang media na matanong si Alden ukol dito.


Inamin ni Alden na malaking parte sa kanyang buhay, lalo na sa kanyang karera si Maine.


“Maine Mendoza has been a very huge part of my life. Hindi ko alam kung ganun din ako sa kanya, pero ako, that’s how I feel,” pagsisimula ng aktor.


Dito ibinahagi nga ni Alden ang kanyang opinyon sa bagong kabanata sa buhay ni Maine.


Para nga kay Alden, matagal nang handa si Maine na harapin ang bagong kabanata ng buhay nito kasama ang kanyang magiging asawa na si Arjo.


Kwento ni Alden, “Now that she’s going to a path na talagang naikukuwento na niya sa akin na talagang gusto niya. Kasi si Maine, very planned ang buhay, very goal-oriented. By the age na ganito, ganito na dapat.”


"So ngayon na nandiyan siya ngayon, of course, with Arjo, siguro ‘yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya,” dagdag pa niya.


Mensahe ni Alden para kay Maine


Masaya naman siya sa buhay ngayon ni Maine at hinihiling ang kaligayahan nito.


Mensahe pa ni Alden, "And sana, wherever she is now, I know that she’s very happy and for the longest time, she deserves that. And yun ang dapat para sa mga taong nagtatrabaho, who are hardworking. And parang biglaan din po ang dating sa buhay ni Maine ng show business. So, I think, this is her reward."


Samantala, marami pa rin sa mga AlDub fans ang umaasang magkakabalikan sila ni Maine at umabot pa sa puntong iniisip ng mga fans na kasal na sila ni Maine at may anak pa.


Ngunit ayon kay Alden, pabayaan na lamang daw ang mga delus!onal fans nila dahil ang mahalaga nilinaw na raw nila ni Maine ang isyu.


Aniya, “Let’s just give it to them. We said our part. We addressed the speculations—we don’t have a child, we’re not married … everything.”


“The reality is this: Maine is engaged to Arjo and they’re getting married. But I don’t want to crush them (AlDub fans) or rub it in their faces by saying it over and over again,” diin pa ni Alden.


Sa kabila ng mga nangyari, nagpapasalamat naman si Alden sa pagkakaibigan nila ni Maine.


“Parang hindi ako masyadong naging vocal about this for the longest time, but I think, this is the right time. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, sa pagtiwala niya sa akin.”


"Although we may have had some differences and misunderstandings in the past, but at least we remained good friends,” kwento pa niya.


Taong 2018 nang magsimula ang mga tsismis tungkol kay Maine at Arjo at 2019 nga nang aminin nilang ang kanilang relasyon.


Naging engaged naman ang dalawa noong July 2022, tatlong taon at pitong buwan bilang magkasintahan.


إرسال تعليق

Post a Comment (0)

أحدث أقدم