Bea Alonzo, inamin nagkaroon sila ng hidwaan ni Alden Richards

 

Bea Alonzo, inamin nagkaroon sila ng hidwaan ni Alden Richards

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang Kapuso actress na si Bea Alonzo hinggil sa isyung may alitan sa pagitan nila ng Kapuso actor na si Alden Richards.


Kung matatandaan, isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin noong nakaraang Abril na hindi natuloy ang proyekto nina Bea at Alden dahil nagkaroon umano ng problema ang dalawa.


Nabanggit ni Cristy na ang dahilan umano ay ugali o attitude problem.


Kasunod nito, ibinunyag ni Cristy na si Alden ang may attitude problem.


Ani Cristy, “Kalat na kalat ang balitang nagpapahintay si Alden sa kanyang mga kasama sa set ng Start Up. Merong kumokontra, may nagtatanggol pero mas marami yung nagsasabi na nagpapahintay siya. On the set na raw po yung mga kasamahan niya pero siya ay nasa waiting area pa rin o dressing room, hindi pa lumalabas.”


Samantala, sa panayam sa kanya ng Pep sa presscon ng kanyang bagong proyekto sa Kapuso network na “Battle of the Judges” kamakailan, inamin ni Bea na totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Alden noon habang ginagawa nila ang "Start-Up PH.”


Ayon pa kay Bea, hindi talaga maiiwasan na magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Alden lalo pa’t magkaiba sila ng background o pinanggalingan.


Aniya, “Alam mo, sa totoo lang, in any working relationship naman, lalo na bago lang ako sa GMA… Iba ang background ko, iba ang background niya, hindi maiiwasan na may mga hindi kayo pagkakaintindihan. May conflict minsan. And I’m going to be honest about it.”


“Hindi naman kami palaging completely okay. Ang plastic ko kung sasabihin ko yun. Pero, siyempre, there are things…” dagdag pa niya.


Sa huli, nilinaw naman ni Bea na okay na sila ngayon ni Alden.


Patunay daw nito ang kanilang pagsasama sa “Battle of the Judges” kung saan isa siya sa mga hurado habang host naman si Alden ng programa.


Aniya, “Oo naman, obvious ba? We’re both mature people. And there are things that you can surpass. And alam mo, ang ikli-ikli ng buhay para saan mo pa ii-stress ang sarili mo?”


Giit pa ni Bea, “And, you know, hindi naman siya masamang tao. Hindi rin naman ako masamang tao. There are things na, siguro meron kaming hindi pagkakaintindihan, pero yun ang buhay, e, di ba?”


إرسال تعليق

Post a Comment (0)

أحدث أقدم