Kilalanin ang kinagigiliwang bagong host ng E.A.T. na si Zombie!

Kilalanin ang kinagigiliwang bagong host ng E.A.T. na si Zombie!


Kinagigiliwan ngayon ng maraming netizens at Dabarkads ang Nigerian na si Zombie na kalokalike umano ng pumanaw na sikat na rapper na si Blakjak.

Si Zombie o Tugue Zombie sa tunay na buhay ay ang pinakabagong miyembro ng legit Dabarkads family matapos siyang kunin ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ para maging host ng bagong show nila sa TV5 na E.A.T.

Matatandaang noong July 1 ay nagbalik-Live sa national TV ang TVJ at iba pang legit Dabarkads na nag-resign sa Eat Bulaga ng TAPE Inc. noong May 31 sa pagsisimula ng bagong noontime show nila sa Kapatid network na E.A.T.

Inabangan ng marami ang comeback ng TVJ at iba pang legit Dabarkads host.

Handog naman ng E.A.T. ang mga bagong segment gaya na lamang ng “Babala, ‘Wag Kayong Ganun!” kung saan isa si Zombie sa kanilang mga naging contestant.

Sa panayam sa kanya ng mga host, ibinahagi ni Zombie na isa siyang Nigerian at walong taon nang naninirahan dito sa Pilipinas.

Sa tagal na nga niya sa Pilipinas, marunong nang magsalita si Zombie ng Filipino at maging ng ilang local dialects gaya ng Cebuano, Ilokano, at Kapampangan.

Samantala, bago sumali sa E.A.T. una nang nagbigay ng saya sa maraming netizens si Zombie sa social media sa pamamagitan ng paggawa ng mga nakakatawang video o parody.

Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 1 million ang kanyang followers sa TikTok at halos 2 million naman sa Facebook.

Dahil na rin sa kanyang likas na pagiging komedyante at entertainer, kaya mabilis nagustuhan ng madla si Zombie.

At ito rin marahil ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang kinuha ng TVJ para maging bagong host ng E.A.T.

Mukhang nakitaan nga ng TVJ ng malaking potensyal si Zombie na maging isang mahusay na host.

At nitong July 13 lamang marami ang natuwa nang mapanood nila si Zombie sa “Sugod Bahay Mga Kapatid” segment ng E.A.T. kung saan nakasama niya sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Sa nasabing segment, ipinamalas ni Zombie ang kanyang talento sa pagho-host at pagpapatawa.

At talagang hindi mahahalatang ngayon lang nag-host sa isang programa si Zombie dahil sa pagiging natural niya sa harap ng camera.

Post a Comment

Post a Comment (0)

Previous Post Next Post