Netizens, pinayuhan si Onyok Pineda na huwag tularan si Awra Briguela

Netizens, pinayuhan si Onyok Pineda na huwag tularan si Awra Briguela

Maraming netizens ang natuwa nang malamang graduate na ng elementarya ang dating child star na si Xymon Pineda o mas kilala bilang Onyok ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Proud na ibinahagi ng kanyang mga magulang ang balita sa kanyang Instagram account na may caption na, “Congratulations Kuya Xymon Ezekiel.”

Sa litrato, todo-ngiti ng dating child star hawak ang kanyang diploma, sertipiko ng karangalan, at medalyang natanggap bilang "with honors."

Makikita naman sa ibang litrato ang kanyang ina at mga kaibigan na nakapagtapos din.

“I’m so proud of you anak! Stay humble, obedient, and always trust in the Lord with all your heart,” dagdag pa ng ina sa kanyang pagbati.

Si Onyok ay nagtapos sa Real Central Elementary School sa Quezon Province noong July 13.

Samantala, kasunod nga nito ay binaha ng “congratulations” si Onyok mula sa mga netizens.

“Congrats major Onyok. Matutuwa sayo si kuya cardo,” bati ng isang netizen.

Sabi pa ng isa, “Congrats Onyok. Nakakamiss kang panoorin.”

Pinuna naman ng isang netizen ang kagwapuhan ni Onyok, “Congratulations. Lalong naging gwapo dahil nagbibinata na.”

Ngunit kapansin-pansin ang mga komento ng netizens kung saan pinayuhan nila si Onyok na manatiling humble at huwag tularan ang kasamahan niyang child star dati na si Awra Briguela na nalihis daw ng landas dahil sa kasikatan.

Bukod sa FPJ's Ang Probinsyano, nagkasama rin sina Onyok at Awra noong 2016 sa pelikulang "The Super Parental Guardians" kasama sina Coco, at Vice Ganda.

Ayon pa sa isang netizen, "Keep it up the good work...sana wag ka tumulad kay Awra na nalihis ng landas dahil sa kasikatan."

Matatandaang kamakailan lang ay nasangkot si Awra sa isang rambulan sa isang bar sa Makati City.

Dinakip at nakul0ng si Awra ng dalawang araw bago nakalaya noong July 1.

Nag-viral din ang CCTV footage bago mangyari ang insidente kung saan nakita na si Awra ang nag-umpisa ng rambulan.

Dagdag pa rito, nakunan din ng video ang pambab@stos ni Awra sa isang lalaki at mga pulis.

Ayon naman kay Sen. Raffy Tulfo, malinaw na naging bastos at entitled si Awra sa insidente.

Sa ngayon, tahimik pa rin si Awra kaugnay sa isyu.

Gayunpaman, tuluyan ngang bumagsak ang kanyang showbiz career dahil sa insidente kung saan nawala sa kanya ang mga kasalukuyan niyang proyekto.


Post a Comment

Post a Comment (0)

Previous Post Next Post