Pulubi, naging milyonaryo dahil sa pamamalimos; kumikita ng higit P48 milyon!

Pulubi, naging milyonaryo dahil sa pamamalimos; kumikita ng higit P48 milyon!

 

Tinagurian bilang “world’s richest beggar” ang isang pulubing namamalimos sa mga kalsada ng Mumbai, India.


Sa ulat ng Economic Times, ang pulubing si Bharat Jain ay kumikita ng 73,000,000 rupees o higit P48 million.


Ang kanyang kinikita naman kada buwan ay pumapatak sa 60,000 hanggang 75,000 rupees o P40,000 hanggang P50,000.


Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Bharat dahilan kung bakit niya naisipang mamalimos.


Siya ay may asawa, dalawang anak at namumuhay kasama ang kanyang ama at kapatid na lalaki.


Sa loob ng 10 hanggang 12 oras na panlilimos, umaani siya ng 2,000 rupees o P1,300 kada araw.


Dahil sa laki ng kanyang kita, nakabili siya ng apartment na nagkakahalagang 12 million rupees o P7.9 million.


Maliban dito, kumikita siya ng higit 30,000 rupees o P20,000 kada buwan mula sa pagpaparenta ng mga shops.


Nagmamay-ari rin sila ng isang stationary shop na mina-manage ng kanyang pamilya.


Ang kanyang pamilya ngayon ay nakatira sa isang duplex apartment sa Parel habang nag-aaral ang kanyang mga anak sa isang convent school.


Maraming netizen ang nagulat sa balita. Ang iilan, nagbibiro pang magpapalit na sila ng propesyon dahil mas mabilis ang paglikom ni Bharat ng pera kumpara sa kanilang trabaho.


“This is it! Mag change career na ako.”


“Sabi na eh, dito ako aangat,” hirit ng isang netizen.


Biro naman ng isa, “Hindi na pala kailangan magtrabaho para yumaman. Tara na’t mamalimos.”


Gayunpaman, may iilan na hindi nagustuhan ang paraan ng pagkita ni Bharat.


Sabi ng isang netizen, “What a sad lifestyle. Getting rich at the expense of others. Not something to be proud of.”


“Nako, mas na-motivate ang pinoy niyan maghingi na lang,” puna naman ng isa.


Nagbigay naman ng payo ang isang netizen na sana’y matulungan din ni Bharat ang mga namamalimos, “He maximized the art of it. Hope he gives back to those in need.”


Sa ngayon, patuloy pa rin umanong namamalimos si Bharat sa Chhatrapati Shivaji Terminus at Azad Maidan ng Mumbai, India.


Ayon sa balita, pinapayuhan si Bharat na tigilan na ang panlilimos ngunit nagpatuloy pa rin ito sa kinagawian.


Post a Comment

Post a Comment (0)

Previous Post Next Post