Ricci Rivero sa katangian ng ideal girlfriend: “Mature, family-oriented, at may takot sa Diyos…”

 

Ricci Rivero sa katangian ng ideal girlfriend: “Mature, family-oriented, at may takot sa Diyos…”

Naging sentro na naman ng pambabatikos ang basketball player na si Ricci Rivero sa naging sagot nito sa katanungan ni dating Manila City Mayor Isko Moreno.


Nakipagkwentuhan si Ricci sa isang episode ng “Iskovery Nights” sa Youtube channel ng ngayo’y Eat Bulaga! host na si Isko o Yorme.


Pinag-usapan ng dalawa ang iba’t ibang aspekto ng buhay kabilang na ang buhay pag-ibig.


Tinanong ni Yorme kung ano nga ba ang mga katangian na hinahanap ni Ricci sa isang babae.


Matapang naman itong sinagot ni Ricci at inisa-isa nga ang mga katangian na nais niya at sa tingin niya’y magpapabighani muli sa kanya.


“Mature,” ang una at mabilisang sagot ni Ricci.


Nang matanong naman sa pisikal na katangian, “Simple…” ang kanyang tugon.


“Family-oriented at may takot sa Diyos,” dagdag pa niya.


Sumang-ayon naman si Yorme sa mga sagot ng basketball player.


“Tama ‘yun. Importante ‘yun,” ani Yorme.


Natanong naman ang binata tungkol sa naging greatest learning niya mula sa kanyang dating relasyon.


Aniya, “As long as alam mong nasa tama or nasa totoo ka, wala ka namang kailangang i-regret or wala kang babalikan kasi na dapat ganito, dapat ganyan.”


Hirit ni Ricci, kailangan maging pribado ang relasyon.


“Mas okay din Yorme siguro ‘yung wala ring masyadong taong involved sa relationship kasi mas wala ring mangingialam.”


Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang sagot na ito, lalo na ang mga fans ng dati niyang girlfriend na si Andrea Brillantes.


“Ikaw na kiss and tell, tingin mo matured ka? Bago mo hanapin ‘yang katangian na ‘yan sa isang babae, be a man first. Before you demand, make sure you have something to give of the same value in return,” komento ng isang netizen.


Sabi naman ng isa, “Make sure your personality is also the counterpart of your so-called ideal woman.”


“Someone you don’t deserve as of now, change for the better you might meet one someday.”


Kamakailan lang ay isinapubliko ni Ricci ang hiwalayan nila ni Andrea.


Inaakusahan naman si Ricci na nanloko, bagay na mariin niya pa ring tinatanggi dahil ang babaeng nakita ni Andrea sa kanyang condo ay hindi sa kanya.


Ngunit ani Andrea sa pamamagitan ni host at komedyanteng si Jhai Ho, nakahubad ang babae nang madatnan niya ito sa condo.


Ang Iskovery Nights ay ilan lang sa mga panayam na pinaunlakan ni Ricci matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Andrea.


Samantala, wala pa ring salitang inilabas si Andrea simula noong lumabas ang balita.

إرسال تعليق

Post a Comment (0)

أحدث أقدم